P.8-M alahas, cash natangay sa punerarya

TINATAYANG may P.8 milyon halaga ng cash at mga alahas ang natangay ng apat na armadong kalalakihan sa tanggapan ng BM Cremation matapos na pasukin at magpaputok kaagad ng kanilang mga baril ang mga suspek kahapon (Disyembre 29) sa Makati City.

Nakuha sa sindak ng mga suspek sina Rolando Sales, 28, kawani ng kompanya at Ma. Theresa Huit, 40, negosyante nang kaagad na paputukan ng kanilang baril ang dalawa matapos makapasok sa loob ng tanggapan sa 206 Anza Building, Pasong Tamo Barangay Tejeros, pasado ala-1:00 ng hapon.

Sa report na tinanggap ni Sr. Supt. Jaime Santos, hepe ng Makati police, nasa loob ng naturang tanggapan sina Sales at Huit nang puwersahang pumasok ang apat na suspek at kaagad na nagpaputok.

Bagama’t hindi naman nahagip ng bala, agad na nasindak ang mga biktima kaya’t hindi na sila pumalag nang samsamin ng mga suspek ang kanilang alahas at salapi ng kompanya.

Sinabi ni SPO1 Monette Whiteside ng Theft and Robbery Section ng Makati police na tumakas ang mga suspek gamit ang dalawang motorsiklo patungo sa hindi nabatid na lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply