P.80/text igigiit ng NTC

IGIGIIT ng gobyerno sa telecommunication companies (telcos) na pababain ng mga ito ang kanilang singil sa text messaging.

Una nang napaulat na nagmamatigas ang mga telcos at ayaw ipatupad ang kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na gawing P.80 mula sa P1 ang bawat text.

Dahil dito, ipinahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na igigiit ng NTC ang kanyang desisyon para sa interes ng mga subscribers.

Ayon kay Valte, hahayaan muna nilang kumilos ang NTC dahil ito naman ang governing body sa telcos tulad ng Smart, Sun Cellular at Globe Telecom.

Ginagawang palusot ng telcos na mas mura nga raw kung tutuusin ang kanilang singil sa pamamagitan ng mga promos kaya hindi na kailangang ibaba sa P.80 ang bawat text. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply