P1.297-B inilabas para sa ‘Sendong’ victims

NAGPALABAS na ang gobyerno ng P1.297 bilyon para sa mga biktima ng bagyong Sendong partikular sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Ani Budget Sec. Butch Abad, ang pondo ay nagmula sa 2011 national budget na nakapaloob sa calamity fund.

Kaagad na ipapamahagi sa mga apektadong lugar ang pondo para sa rehabilitasyon at pagbangon ng mga mamamayan.

Maliban dito, may Quick Response Funds (QRFs) din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense (DND) at Department of Education (DepEd) na agad magagamit sa relief operation.

Dagdag din ang Local Government Support Fund na bukas ay ipapalabas ng Pangulong Noynoy Aquino sa pamamagitan ng Special Allotment Release Orders (SAROs).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply