P1.7M natangay ng riding-in-tandem sa Naga City

NAKUHA ang umaabot ng P1.7 milyon ng dalawang katao na lulan ng isang motorsiklo sa lungsod ng Naga sa lalawigan ng Camarines Sur.

Ayon kay C/Insp. Ariel Ayusef ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), hinala nilang sinundan ang sasakyan ng empleyado ng Peñafrancia Rural Bank na si Rebecca Guinto-Umbao na minamaneho ni Binbin Añunuevo.

Nagtataka umano ang pulisya dahil alam na alam ng mga kawatan kung sino ang nagdadala ng cash na P1.7M. Binasag ng mga salarin ang salamin malapit kay Umbao at kinuha nito ang kaka-withdraw palang na salapi mula sa isang bangko sa lungsod.

Binaril sa katawan ang drayber na si Añunuevo at kasalukuyan itong nagpapagaling sa isang ospital sa naturang lungsod.

Patuloy naman ang ginagawang manhunt at follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng mga magnanakaw.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply