P10 minimum fare sa dyip haharangin ng Gabriela

NAGHAIN na ng petisyon ang grupong Gabriela sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) para kontrahin ang hirit ng ilang transport group na dalawang pisong dagdag sa pasahe o P10 minimum fare sa pampublikong dyip.

Nakapaloob sa manifesto ng legal opposition petition ng Gabriela ang pagkondena sa panibagong pagtaas sa presyo ng gasolina.

Bukod sa petisyon, isang signature drive rin ang inilunsad kahapon (Disyembre 6) ng grupo upang makapangalap ng lagda na kanilang isusumite sa LTFRB at sa Malakanyang na magpapatunay na hindi na kaya ng taumbayan ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis kasama ng LPG, kuryente at tubig.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply