P100 bilyon para sa destabilisasyon

AABOT sa P100 bilyon ang ikinakasa ngayon ng kampo ni dating Pangulo at ngayon aý Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo upang makalikha ng destabilisasyon sa bansa.

Ito ang ibinunyag ni San Juan Rep. JV Ejercito dahil layunin nito ang lumikha ng kaguluhan at maiba ang focus ng administrasyong Aquino.

Kapag nagkaroon aniya ng kaguluhan ay makikinabang dito ang dating Pangulo dahil mag-iiba ang focus ng gobyerno.

“Kapag maganda kasi ang takbo ng administrasyon, they (Arroyos) will be prosecuted so kung merong ganitong kaguluhan, syempre tulad nitong nangyayari syempre medyo makakalimutan ng konte. Di ko naman sinasabing they will, but they might cause trouble para yung focus of the administration mawala sa prosecution ng mga nagkasala noong nakaraan.,” pahayag ni Ejercito sa Ugnayan sa Batasan.

Magkagayunman, tiwala ang kongresista na hindi mananaig o magtatagumpay ang anumang pagtatangka lasban sa gobyerno dahil wala aniyang papatos sa destabilisasyon dahil popular pa rin si Pangulong Aquino.

“Si PNoy popular so I don’t think it (destabilization) will work. Any attempts will be futile.”

Dahil dito, iminungkahi ni Ejercito na huwag payagang makagamit ng alinmang komunikasyon sa loob ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si Ginang Arroyo dahil marami aniyang pamamaraan upang patuloy niyang magampanan ang kaniyang tungkulin bilang kongresista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply