P10,000 ayuda sa pamilya ng namatayan dahil sa bagyong ‘Sendong’

MAGBIBIGAY ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng paunang tulong sa mga kaanak ng mga namatay dahil sa pagragasa ng tubig baha sa Cagayan de Oro.

Ani DSWD Sec. Dinky Soliman, sinabi nitong hands-on ang ginagawang pag-ayuda ng Office of Civil Defense (OCD) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa may 560 pamilya na namatayan.

Ayon kay Sec. Soliman, magbibigay ng P10,000 ang OCD sa bawat namatayang pamilya habang ang DILG ang susuporta sa paggawa ng kabaong.

Tuloy-tuloy din ang assessment ng tanggapan ni Sec. Soliman para sa mga pamilyang hindi kayang magtayo ng bahay at pagkakalooban nila ng emergency shelter assistance na nagkakahalaga ng P5,000 bawat pamilya na ibibigay sa susunod na linggo.

Ngayong araw, tatlong beses na nagpadala ng relief goods ang DSWD para sa mga taga-Cagayan de Oro.

Sa mga totally damage ang bahay at nasa mapanganib na lugar, ilalagay sila ng DSWD sa isang temporaryong bahay at hindi na hahayaang bumalik pa sa nasalantang lugar.

“Yun sa mga namatayan ang Office of the Defense (OCD) at DILG ang mga tumutulong po. Ang Office of the Defense magbibigay ng P10,000 sa bawat pamilya na namatayan po. Ang DILG ang sumusuporta sa pagsasagawa ng kabaong… Yong mga bahay at wala po silang kakayanan mag-repair mayroon po tayong emergency shelter assistance na puwedeng gamitin sa repair na tig-P5,000 per family,” pahayag ni Sec. Soliman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply