PEI matatanggap na ng govt employee

MATATANGGAP na ng mga government employee ang kanilang productivity enhancement incentive (PEI) sa Huwebes (Disyembre 8) dahil mas pinaaga ang pag-abruba rito ng Malakanyang kung saan na dapat sanang sa Disyembre 15 pa ito ibibigay.

Nabatid na makakatanggap ang may 1.67 milyong emplyado ng gobyerno ng P10,000 bawat isa na PEI batay na rin sa inilabas na Administrative Order No. 24 na nilagdaan ng Pangulong Benigno Aquino III.

Ang PEI na ibibigay ay  manggagagaling sa national government kung saan kasama sa mga makikinabang nito ang mga mangagawang permanent, temporary, casual at ang mga empleyado na nakapagtrabaho na ng apat na buwan.

“The current administration in fiscal year 2011 has kept fiscal deficit way below target by improving revenue collection, exercising prudent expenditure management and promoting transparency and anti-corrupt practices in government transactions,” ayon kay Pangulong Aquino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply