P120-M bonus sa Manila City hall employees naibigay na

NATANGGAP na ng 10,000 empleyado ng Manila City Hall matapos ianunsiyo ni Manila Mayor Alfredo Lim ang P10,000 P-Noy bonus na laan para sa kanila.

Ayon kay  Chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman, medyo nahuli ang pagkakaloob ng alkalde ng P-Noy bonus, dahil siniguro muna nito na may sapat na pondo na nalikom ang lokal na pamahalaan.

“Pamahiin sa amin na tuwing sasapit ang Bagong Taon, kinakailangang mayroong bigas, asin, asukal at pagkain sa hapag, hindi na ako magpapaligoy-ligoy, P10,000 sa regular employee, P5,000 sa casual at P3,000 sa JO,” ayon kay Lim.

Ayon kay de Guzman, tatanggap ng tig-P10,000 ang mga regular na empleyado; P5,000 ang mga casual at P3,000 ang job order status na empleyado.

Nalaman na kamakalawa ng gabi lamang na nalaman ng alkalde  mula sa city treasurer na si Marissa de Guzman na may nalikom nang pondo para sa bonus ng empleyado nang tawagan siya sa telepono.

Kaugnay nito, natanggap na rin ng mga miyembro ng Manila City Council ang kanilang pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na tig-P270,000 na gagamitin sa mga proyekto sa kanilang mga distrito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply