P128M ilalaan sa eskuwelahang binagsakan ng eroplano

MAGLALAAN ng P128 milyon ang pamahalaan para sa pagpapagawa ng nawasak na eskuwelahan sa Paranaque City matapos na masunog nang mabagsakan ng eroplano nitong Disyembre 10.

Nabatid na mula sa nasabing pondo ay makapagpapatayo ang Department of Education ng gusali sa F. Serrano Elementary School na binubuo ng 80 classroom.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III na ilabas na ang pondo at madaliin na ang pagpapatayo ng nasabing eskuwelahan upang maayos na makapasok at makapag-aral ang mga estudyante sa lugar.

Ipinaliwanag naman ni Budget Secretary Florencio Abad, na hindi na makukumpuni pa ang nasunog na bahagi ng naturang paaralan kaya marapat lamang na paglaanan na ng pondo sa lalong madaling panahon para sa bagong gusali.

Mabebenepisyuhan naman aniya ng bagong gusaling itatayo ang may 2,652 grade school pupil sa sandaling matapos ang reconstruction.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply