P18M paputok, frozen meat nasabat ng Customs

UMAABOT sa P18M halaga ng paputok at frozen meat ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) mula sa China at Hong Kong sa Port of Manila.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, idineklarang household goods, kitchen wares,  ang tinatayang P15 milyon halaga ng sub-standard firecrackers na nakaimbak sa limang forty-footer container van habang nagkakahalaga naman ng P3 milyon ang frozen meat na nakalagay sa isang 40-footer container van nang makumpiska ito ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BOC-IG).

Nakapangalan umano ang mga kargamento sa Shamoroal Enterprises, isang Bulacan based importer na nasangkot na rin sa iligal na pagpupuslit ng sibuyas sa bansa.

Sinabi ni Biazon na ang kanilang operasyon ay bunsod pa rin ng patuloy na kampanya ng bureau laban sa mga katiwalian at smuggling sa bansa kung saan patuloy nilang minomonitor ang iligal na pagpasok sa bansa ng imported na paputok upang masiguro ang kaligtasan ng mamayan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kaugnay nito, mahigpit ding ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang importation ng frozen meat mula sa bansang China para sa kaligatasan ng kalusugan ng mamamayan.

“We would like the Filipino to celebrate the holidays safely. We have also practically streamlined the procedures in the issuance of Alert Orders to enable us to immediately act on suspicious cargoes entering the country before they can be spirited out of customs jurisdiction,” ayon kay Biazon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply