P1M ibibigay ng bawat solon sa mga nasalanta

MAGHAHANDOG ng P1 milyon ang bawat isang kongresista para sa mga nasalanta ng bagyong “Sendong.”

Ito ay matapos na aprubahan ang resolution na inihain ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. para sa mga biktima ng kalamidad sa Mindanao.

Kukunin ang financial assistance sa kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) para makatulong sa mga sinirang imprastraktura ni “Sendong.”

Bukod dito ay magbibigay ng hindi bababa sa P20, 000 mula sa kanilang suweldo ang mga kongresista para itulong sa mga pamilya na naapektuhan ng bagyo.

Ang P20, 000 ay ibabawas sa suweldo ng bawat kongresista sa Enero ng susunod na taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply