P1M multa sa iligal na paputok, ikinasa

KUNG hindi natatakot ang mga tao sa peligro ng paggamit ng paputok at pyrotechnics, isinulong ng isang senador na pabigatin na lamang ang multa at parusa upang matakot na sila sa paggamit nito.

Kinatuwiran ni Sen. Manny Villar na mula nang isabatas ang Republic Act. 7183 dalawang dekada na ang nakakaraan, parang binabalewala lamang ng mga tao ang parusa sa paglabag ng batas na ito dahil umaabot lamang sa P30,000 ang multa at hanggang isang taon na pagkakulong.

“The said penalties seemed to be so insignificant for the countless invaluable human lives and properties that are lost and destroyed,” ani Villar.

Dagdag pa ni Villar na: “As such, the person or persons who are responsible for such incidents should be penalized with stiffer penalties in order that the provisions of the aforementioned law must be strictly followed and carried out.”

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1088, ipinanukala ni Villar na ang sinumang tao na gumagawa, nagbebenta, namamahagi at gumagamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic device na labag sa probisyon ng RA 7183 ay marapat lamang na pagmultahin ng P500,000 hanggang P1 milyon at pagkakulong ng mula isang taon hanggang 12 taon.

Ang nasabing panukala ay sumalang na sa pagdinig sa Senate committee on trade and commerce kung saan nakapagbigay na rin ng posisyon ang mga firecracker at pyrotechnics manufacturer sa bansa.

Itutuloy naman ni Villar ang kaukulang public hearing sa naturang panukala sa susunod na taon upang sa gayon ay magawan ng aksyon ng Senado ang mga aksidenteng kaakibat ng paggamit ng paputok, lusis at pailaw at iba pa kada taon.

“Most of the time, these incidents are just being considered as mere accidents. But be it an accident or not, the person or persons who is/are responsible for such incidents should be held liable for violation of the provisions of Republic Act  No. 7183 or the law which regulates the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers and other pyrotechnic devices,” giit ni Villar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply