P3.2M pabuya ipinamudmod ng PDEA sa mga impormante

UMABOT sa halagang P3.2 milyon ang pabuya o insentibo na ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa may 16 nilang mga impormante  bilang konsiderasyon dahil sa naging kontribusyon ng mga ito na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga bawal na gamot at pagkadakip ng ilang drug personalities.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S Gutierrez, Jr. ay nagbigay umano ng mga mahahalagang impormasyon sa PDEA ang mga nasabing impormante sa pamamagitan ng kanilang Operation Private Eye (OPE).

Ang OPE ay isang reward at incentive scheme na ibinibigay na konsiderasyon upang mahikayat ang mga pribadong mamamayan na ireport sa PDEA ang kahina-hinalang ikinikilos ng sindikato ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Ang 16 na impormante na binigyan ng mga pabuya ay kinilala lamang sa kanilang codenames na  Mayumi, Jaguar, Lyn, Tutpik, Nina De Castro, Alfa Lima, Kidlat, Jao, Eagle 2, Golf, Lady Gaga, Art Angel 2, Andrew E, R Star, Dyeta, at Yang Chow.

Ani Gutierrez , protektado aniya nila ang kanilang mga impormante at siniguro nila sa publiko na sila’y mapo-protektahan  ng ahensiya sakaling makapagbibigay sila ng impormasyon sa kanilang OPE at pinagmamaskara nila ang kanilang mga impormante tuwing igagawad sa mga ito ang pabuya upang maitago ang tunay nilang pagkatao sa publiko bilang proteksiyon. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply