P4M inilaan ng Makati para sa mga biktima ni ‘Sendong’

NAGLAAN ng P4 na milyon ang lungsod ng Makati para sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro, Dumaguete at Iligan City.

Ayon sa Makati City Mayor Junjun Binay, kukunin ang pondo mula sa kanilang quick response fund sa ilalim ng kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) fund.

Sinabi naman ni Makati Social Welfare Department Head Marjorie de Vera na gagamitin ang pondo para sa pamamahagi ng 20,000 bags ng relief goods na may lamang bigas, tubig at canned goods

Kaungay nito may umiikot rin sa mga barangay sa lungsod upang pick-up-in ang mga ipadadalang tulong.

Ang mga nakolektang donasyon ay ipapadala sa Minadanao bilang parte ng nationwide campaign ng Makati City na matulungan ang kahabag-habag na sitwasyon ng mga biktima ng kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply