P5-M pinakakalap ng QC para sa Sendong victims

PORMAL nang nilagdaan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kautusan hinggil sa pamamahagi ng tulong pinansiyal at personal na kagamitan para sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Sendong sa Mindanao.

Agarang inatasan ni Mayor Bautista si City Administrator Victor Endriga na kumalap ng P5 milyon hanggang Disyembre 28 kung saan hahatiin ang mga ito para mabigyan ng tulong ang mga nasalanta sa mga lungsod partikular ang Cagayan de Oro at Iligan kasama ang ilang karatig lalawigan sa Mindanao na labis na naapektuhan ng kalamidad.

Tig-isang milyong piso ang ibibigay na donasyon ng QC government sa Cagayan de Oro at Iligan habang ang nalalabing P3 milyon ay ipadadaan sa Social Services and Development Department (SSDD) ng DSWD na sila namang bahalang magbigay ng ano mang serbisyo sa mga karatig na lugar na naapektuhan din ng kalamidad.

Inatasan din si Endriga na manawagan sa mga empleyado na personal na mag-donate ng kanilang mga personal na kagamitan gaya ng underwear ng babae at lalaki at isang set ng damit ng mga bata at matatanda gayundin ang tsinelas.

Wala na umanong ginagamit na underwear at damit ang halos karamihan ng mga biktima na nasa evacuation centers doon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply