P55M magagastos sa restorasyon ng Ifugao Rice Terraces

TUMATAGINTING na P55 milyon ang kailangan para sa pagsasaayos o sa muling pagbuhay sa angking ganda ng Ifugao Rice Terraces sa Mountain Province.

Pursigido ang gobyerno na muling buhayin ang dating sikat na tourist attraction at sa katunayan ay naglabas na ang Department of Agriculture (DA) ng P30 milyon para ayusin ito.

Inilaan naman ang P10 milyon para sa pagsasaayos ng mga nasirang irigasyon sa Batad Town habang ang P20 milyon naman ay para sa restorasyon ng iba pang bahagi.

Maliban dito, naglaan din ang DA ng P25 milyon para sa iba pang agricultural projects sa Ifuago katuwang ang provincial government at 11 munisipalidad.

Magugunitang hinahangaan noon sa buong mundo ang angking ganda ng Ifugao Rice Terraces pero sa kasamaang palad ay napabayaan at bahagyang nawala sa “limelight.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply