P6-M fake stainless products nasamsam ng NBI

NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang halos P6 milyon halaga ng pekeng stainless steel products sa magkakasunod na pagsalakay sa mga establisimyento.

Sa report ni NBI Director Magtanggol Gatdula, ng NBI Intellectual Property Rights Division (IPRD), kabilang sa mga sinalakay ay ang AGCCM Trading na pag-aari at ino-operate ng isang Allan Montefalcon sa 8th Avenue, Caloocan City;  Steelfast Enterprises, sa 8th Avenue, Caloocan City; Stainless Marketing na pag-aari ni Stanley F. Ang, matatagpuan sa 8th Avenue, East Grace Park, Caloocan City; Dean Metal Trading na pag-aari ni Jaime N. Bacani, ng 8th Ave., M.H. Del Pilar St., Barangay 106, Zone 10, Grace Park, Caloocan City; Mia Rose Trading na pag-aari ni Rosa Maria V. Hung, ng Burgos St., Brgy. V, Calamba City; DCA Junkshop & Gen. Merchandise na nakapangalan kay Charlie Angustia, ng 63 B. Libis, Brgy. Iba, Meycauayan City, Bulacan; Reynaldo Delfin Gen. Mdse., ni Reynaldo Delfin, sa 1077 Quirino Highway, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City; Sparkle Metal Trading ni Federico A. Tan, matatagpuan sa 491 and/or 34 William Shaw St., Grace Park, Brgy. 94, Caloocan City; Banjo Steel Supply & Gen. Mdse., sa may Block 2 Lot 15 Jake Gonzales Blvd., Virgen delos Remedios, Angeles City; New Springwell Marketing na pag-aari naman ni Jasmine Lee Go, matatagpuan sa Double III Bldg., Aguinaldo Hi-way, Anabu, Imus, Cavite at Humvee Enterprises, na pag-aari ni Ronnie Santiago, ng Brgy. Del Remedio (Wawa), San Pablo City.

Ang ginawang pagsalakay ay bunsod na rin ng bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Antonio Eugenio, Jr., ng  Manila Regional Trial Court (RTC), Branch 24.

Nasa 1,499 na piraso ng pekeng Allegeni stainless steel products ang nakumpiska na umaabot sa halagang P5,996,000.00

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines ang mga may-ari at operators ng nabanggit na establisimyento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply