P6M marijuana nasakote ng pulisya

UMAABOT sa mahigit na P6 milyong halaga ng dahon ng marijuana ang nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police sa bayan ng Bengeut at Alilem, Ilocos Sur sa isinagawang operasyon ng pulisya.

Ayon kay P/Sr. Supt Noel Amoven, provincial director ng PNP Ilocos Sur, ang naturang operasyon ay bunsod pa rin ng mahigpit na kampanya ng lalawigan laban sa ipinagbabawal na droga tulad ng narijuana kung saan talamak ang taniman ng naturang halaman sa nabanggit na bayan.

Nabatid na kabilang sa mga bayan na may mga taniman ng marijuana ay ang bayan ng Brgy. Ginaw, Bibig, Sitio Damoko,Kayapa Bakon Beguet  at ilang mga bayan sa Alilem Ilocos Sur.

Lahat umano ng mga tanim na marijuana ay binunot at susunugin sa pangunguna ni P/Chief Insp. Susimo Rancho at ng Provincial PDEA. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply