P8.1-M pananim winasak ng bagyong Sendong

HINDI naman umano kalakihan at bahagya lamang ang nawasak na mga pananim ng bagyong Sendong sa limang rehiyon na umaabot sa halagang P8.1 milyon.

Sa isinumiteng ulat ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala kay Pangulong Benigno Aquino III, nasa kabuuang 3,964 ektaryang lupain kung saan 1,904 ektarya ang may mga tanim na palay at 2,060 ektarya ang may tanim na mais ang naapektuhan ng bagyo.

Sinabi pa ni Alcala na kung ang pag-uusapan ay nawasak, ang inisyal na sinira ay aabutin ng P8.1 milyon habang P3.57 milyon ang may punla ng bigas at gulayan at P4.53 milyon naman sa mais.

Gayunman, tutulungan ng DA ang mga naapektuhang magsasaka sa pamamagitan ng “palit-tanim scheme” kung saan makatatanggap ang mga magsasaka ng 100 porsiyento ng punla ng palay o mais kung halos kalahati ng kanilang mga sakahan ang nasira at 50 porsiyento naman na tulong para doon sa partially-damaged na bukirin.

Batay sa ulat ni DA Undersecretary for operations Joel Rudinas tumanggap ng inisyal na tulong ang mula sa limang rehiyon (4B, 5, 9, 10 at 11).

Sa bigas naman, mas malaki ang nasalanta sa Palawan kung saan 1,305 ektarya ang nawasak na sinundan ng Camarines Sur (455 hectares), Davao del Norte (100 hectares) at Northern Mindanao (41 hectares).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply