Pa-raffle na Christmas tree ‘di magamit

ANO ba naman ito?

Aba’y hindi raw maitayo ng isa sa mga miyembro ng Senate media ang kanyang napanalunang Christmas tree dahil wala itong stand o tayuan.

Tuwang-tuwa pa naman ang nanalong miyembro ng media sa kanyang napanalunang Christmas tree dahil sa wala sila nito sa bahay at walang kaayos-ayos o kagayak-gayak ang kanilang bahay at sa wakas ay magkakaroon na ng diwa ng Pasko.

Subalit hindi lamang siya ang nadismaya kundi ang kanyang mahal na asawa na siya
mismong nagtangkang magtayo nito.

In fairness, sabi ng nanalo okey lang daw kahit napansin niyang tila ginamit na ang Christmas tree subalit ang ikinalulungkot niya ay wala itong tayuan o stand.

Hindi rin tuloy na naitago ang panghihinayang sa gasolinang ginastos maiuwi lang ang mala-higanteng Christmas tree.

Kung babae o lalaki ang senador na nagpa-raffle ng Christmas tree bahala na kayong humusga.

Basta’t paborito niya ang kulay green. Pero hindi malaswa at marumi ang kanyang pag-iisip.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply