Pacman: Laban kay Floyd Jr. malabo na

SI PAMBANSANG Kamao Manny Pacquiao mismo ang nagsabing hindi na matutuloy ang inaabangan sanang bakbakan nila ni WBC welterweight champion at undefeated boxer Floyd Mayweather, Jr.

Ito ay matapos na mahatulan ng tatlong buwang pagkakakulong si Mayweather kaugnay sa kaso ng pananakit sa dating kasintahang si Josie Harris.

Nakatakda sana sa Mayo 2012 ang tinaguriang “mega fight” sa pagitan ng dalawang mahuhusay na boksingero.

Sinabi ni Pacman na maliban sa kasong domestic violence ay mayroon pang ibang kaso si Floyd Jr. at kabilang na dito ang inihaing asunto niya.

Dahil dito, maaaring magkaroon ng Part 4 ang sagupaan nina Pacman at Marquez o kaya naman ay rematch isang kay Miguel Cotto.

“Malabo na dahil sentensiyado na siya at hindi lang iyon may mga kaso pa siya,’yung kaso pa namin,” wika ni Pacman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply