Pacquiao-Cotto rematch niluluto?

PINAPLANTSA na umano ni Top Rank promoter Bob Arum ang rematch nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto sa susunod na taon.

Ayon sa mga source, isasagawa ang laban kung babagsak ang negosasyon sa pagitan ng kampo nina Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Ilan sa mga pinagpipilian na makakalaban ng Pambansang Kamao ay sina Mike Jones at Amir Khan na nagpahayag ng interes kahit dati niya itong sparmate.

Si Cotto ay naghahangad na makalaban sa 12th round KO loss niya kay Pacquiao noong 2009.

Samantala, ang Puerto Rican boxer ay nakabalik na sa kanyang bansa kung saan sinalubong siya ng kanyang kababayan.

Nakatanggap din siya ng parangal doon dulot ng matagumpay niyang pagkapanalo kay Antonio Margarito noong isang linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply