Pacquiao ipabubusisi ang pagtapon ng patay na tuna sa Sarangani Bay

Patay na tuna sa Sarangani Bay, Pacquiao nais busisiin sa House inquiry

DADALHIN ni Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao sa Kamara ang imbestigasyon sa ginawang pagtapon ng mga tone-toneladang patay na isdang tuna sa Sarangani Bay.

Sinabi ni Pacquiao na kanyang ipi-presenta sa mga miyembro ng House Committee on Fisheries ang resulta ng ginagawang imbestigasyon ng mga lokal na pamahalaan ng Maasim at Sarangani hinggil sa insidente.

Ayon kay Pacquiao, ang ginawang pagtapon ng mga patay na tuna ay isang seryosong isyu na makaaapekto sa industriya ng palaisdaan lalo na ng tuna industry kung ito ay patuloy na ipagsawalang-bahala.

Bilang vice chairman ng Fisheries Committee sa Kamara, nais ni Pacquiao na magpasa ng panukala na tutulong sa problema ng local tuna industry sa Sarangani.

Hiniling din ni Pacquiao sa mga lokal na opisyales ng bayan ng Maitum na lalo pang paigtingin ang kanilang coastal monitoring o ang Bantay Dagat Operation. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply