Pag-ulan, dulot ng cold front – Pagasa

SINASABING hanggang sa susunod na linggo pa ang nararanasang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa Pagasa, bagama’t walang bagyo o anumang weather disturbance system sa loob ng Philippine area of responsibility, pero nagdudulot umano ng pag-ulan ang buntot ng tinatawag na cold front.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga mangingisda hinggil sa umiiral na gale force winds.

Kabilang sa mga apektadong area ay ang seaboards ng Northen Luzon, eastern at western seaboards ng Central at Southern Luzon.

“Strong to gale force winds associated with the surge of Northeasterly Surface Windflow.. Fishing boats and other small seacrafts are advised not to venture out into the sea while larger sea vessels are alerted against big waves.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply