PAGASA: Hamog sa umaga may usok

IPINALIWANAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi hamog ang nakikita ng taumbayan tuwing umaga.

Binigyang-linaw ni PAGASA Administrator Graciano Yumul kung bakit malabo ang bawat umaga ng mga Pinoy, partikular na sa Metro Manila.

Sinabi ng opisyal na sa urban areas, may kababaan ang elevation at hindi purong water droplets ang makikita kundi “smog” dahil may kasama itong usok at pollutants.

Sinabi rin ni Yumul na malaking bahagi ng nararamdaman ngayong klima ng bansa ang epekto ng La Niña phenomenon.

Samantala kanselado ang mga flights sa China dahil sa smog.

Binalot ng smog ang buong bansa dahilan para isara ang ilang lansangan at ang pangunahing airport sa Beijing.

Ayon sa U.S. Embassy, nasa “hazardous” level ang polusyon sa Beijing simula pa kahapon (Lunes, Disyembre 5).

Dahil dito, mahigit sa 20,000 mask na ang binili ng mga residente ng Beijing mula sa isang online retailer dahil sa fog at lumalalang kalidad ng hangin sa nasabing lugar.

Ayon sa istadistika mula sa Taobao Mall, ang pinakamalaking online B2C marketplace ng China, mahigit sa 30,000 mask ang naibenta noong Linggo pa lamang. Mahigit 20,000 sa mga ito ay mga taga-Beijing ang bumili.

Ang maskarang may lamang bulak ay nagkakahalaga ng sa pagitan ng 5 hanggang 15 yuan o mula P34.40 hanggang P103.20.

Mabenta rin ang mga mas mahal na maskara dahil may karagdagang features pa ang mga ito.

“My online store has sold more than 5,200 masks in a single month. A customer from Beijing bought more than 100 masks on Monday. About 80 percent of the goods will be sent to Beijing,” ayon sa isang nagtitinda ng nabanggit na produkto sa internet.

Noong Linggo ay nag-isyu ang Beijing Meteorological Center ng yellow alert, ang pangalawa sa pinakamababang antas ng warning system sa China.

Ito ay upang magbabala ukol sa fog at smog o fog na may usok sa Beijing. Ayon sa babala, ang visibility ay magiging 500 metro lamang sa maraming bahagi ng siyudad.

Ayon sa isang source sa Beijing Capital International Airport, napuwersang ikansela ng paliparan ang 56 na papaalis na flight at nagpabinbin ng hindi bababa sa isang oras ang paglipad ng 27 eroplano kahapon.

Inaasahang malilinis ang hangin sa Beijing ngayon, ayon sa isang opisyal ng Beijing Municipal Environmental Protection Bureau.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply