PAGASA, iba pang ahensiya pinagpapaliwanag kaugnay ng trahedya

INATASAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration at iba pang concerned agencies na magpaliwanag kaugnay sa di umano’y kapalpakan na nagresulta ng pagkamatay ng mahigit 684 katao sa Cagayan de Oro at Iligan City bunsod ng hagupit ng bagyong Sendong.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda nais ni Pangulong Aquino na malaman kung sino ang pumalpak sa mga nasabing ahensya kaya nangyari ang nasabing trahedya.

Sa ngayon ay hinihintay ng Malakanyang ang kompletong report ukol sa mga ginawang preparasyon at relief operations sa mga nasabing lalawigan kaya hindi pa nila masabi kung may dapat ngang managot mula sa mga disaster agency officials.

“He wants a comprehensive update, report on all the efforts done by the respective government agencies. We’ve been receiving updates from, for instance, from DSWD and also from DILG and from NDRRMC but the President wants a comprehensive report on what all the agencies have been doing,” aniya pa rin.

Binigyang diin din ng Punong Ehekutibo na hindi nagpabaya ang pamahalaan para tugunan ang problema ng mga naturang residente.

Sa katunayan nga aniya ay regular ang ginawa nitong paghingi ng updates sa Pagasa at NDRRMC.

Nauna nang umani ng pagbatikos si Pangulong Aquino dahil sa halip na dumalaw sa mga biktima ng bagyong Sendong ay abala pa ito kahapon (Disyembre 18) sa Christmas party ng Presidential Security Group kung saan bisita si Valerie Concepcion, kilalang TV host at sexy actress.

Todo-depensa naman ang Malakanyang sa mga opisyal ng pamahalaan na posibleng pumalpak nga sa pagbibigay ng warning sa mga residente ng mga nabanggit na lalawigan.

Ikinatuwiran ni  Lacierda na ang pagdaluhong ng mataas na tubig-baha ay naganap ng hatinggabi kung saan karamihan sa mga residente ay natutulog na.

“Our understanding [is] that the swelling of the river happened in the evening and therefore even the local government officials were caught unaware. And so there is… However, when it happened, there was immediately a response from all the government agencies concerned. The AFP, the Navy were put in place to make sure, to undertake search and rescue operations,” aniya pa rin

Samantala, personal na bibisitahin ni Pangulong Aquino ang CDO, Iligan at Dumaguete City para alamin ang kalagayan ng mga mamamayan doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply