PAGASA: Mga pag-ulan mararanasan hanggang sa Linggo

PINAYUHAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko na laging magdala ng payong o anomang panangga laban sa ulan dahil tatagal ito hanggang sa Linggo.

Sinabi ni PAGASA officer-in-charge and Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Graciano Yumul na ang Metro Manila, Bicol at ilang parte ng Visayas ay makararanas ng pag-ulan sanhi ng convergence ng northeast monsoon (amihan) at easterlies, o ang hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.

Sinabi ni Yumul na ang weather system ay magbibigay ng liwanag pero magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan sa Metro Manila hanggang sa Linggo.

Makararanas din ng malakas na pagbuhos ng ulan ang Northern Luzon, kabilang ang Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Quezon Province at Aurora sanhi rin ng amihan.

Hindi naman inginunguso ni Yumul ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa layong 330 kilometers ng Puerto Princesa, Palawan ang nagdadala ng mga pag-ulan na nagaganap sa Metro Manila. Inaasahan aniya na ang weather disturbance ay lalabas sa Philippine area of responsibility sa Biyernes ng tanghali.

Ani Yumul, ang western section ng Pilipinas ay nakararanas ng pag-ulan sanhi ng La Niña phenomenon.

Inaasahan naman ng PAGASA na bubuti na ang panahon sa Metro Manila sa Lunes.

Samantala, dahil sa inulan ang paglilipat kay dating Pangulong Gloria Macagapal Arroyo sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMCC) sa Quezon City, mula sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig kaninang umaga hindi ito pumayag na ilipad siya sa isang helicopter at mas pinili ang isang sasakyang panglupa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply