Pagawaan ng mga paputok sinuyod na ng BFP

SINIMULAN nang inspeksiyunin ng Bureau of Fire Protection ang lahat ng establisimiyento, pagawaan at tindahan ng paputok sa Bulacan kaugnay na rin sa kautusan ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo sa pagpapaigting ng Oplan “ Ingat Paputok.”

Kanina ay sinuyod ng Task Force “Ingat Paputok” sa pangunguna ni BFP Region 3 Director C/Supt. Ariel A. Barayuga kasama sina Deputy Chief for Operations S/Supt. Absalon L Zipagan, S/Insp.Jaime D. Robles at Provincial Fire Marshals, ang mga pagawaan at mga tindahan na nagbebenta ng paputok partikular sa Bulacan, upang masigurong sinusunod ang ipinatutuad na fire safety standards at kung may mga lisensiya mula sa Bureau Of licensing Permit.

Ani Robredo, mahigpit niyang inatasan si Barayuga na siguruhing sumusunod ang mga establisimiyento sa umiiral na probisyon sa ilalim ng Implementing Rules and Regulations ng  RA 9514, kilala ring Revised Fire Code of the Philippines of 2008.

Maliban dito, tututukan din ng task force kung marunong gumamit ng fire extinguishers o tubig at buhangin para mapigilan ang apoy at siguruhin na may mga nakapaskil na “NO SMOKING” sign sa mga lugar; pagbabawal sa pagluluto sa labas ng kabahayan kung saan may mga bagay na madaling masunog, pagbawal sa pagbebenta ng paputok sa mga bata at abisuhan ang mga establisimiyento sa paglalagay ng “NOT FOR SALE TO CHILDREN” signs gayundin na ipaalam agad sa pulisya kung may pagawaan ng paputok na malapit sa layong 300 meters sa mga kabahayan.

Kasabay nito, maglulunsad din ng sabay-sabay na truck motorcade ang BFP sa mga pangunahing lansangan sa rehiyon upang maabisuhan ang mamamayan na umpisa na ng Oplan “Ingat paputok”.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply