Pagbabawal sa media sa VMMC inalmahan

INALMAHAN ng kampo ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo ang hindi pagpayag ng pulisya na makapasok ang ilang piling miyembro ng media na ipinatawag ng dating Pangulo sa kanyang silid sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Inihayag ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni GMA na hindi pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ang sanay pakikipag-dinner ng dating pangulo sa ilang piling kagawad ng media sa loob ng kwarto nito sa VMCC.

Nabatid na nagpatawag si GMA ng ilang piling mediamen mula sa broadcast at

print matapos magpadala ng imbitasyon subalit tumanggi ang PNP na papasukin ang mga ito.

Sinabi ni Horn na ikinatuwiran ng PNP na kailangan pa nilang humingi ng pahintulot

mula sa Pasay Regional Trial Court (RTC), ito ay kahit kasama umano sa kondisyon ng kampo ni Arroyo na bawal magdala ng camera at communications devices sa loob ng ospital.

Matatandaan na una nang ibinasura ng korte ang hiling ng kampo ni GMA na makapagdaos

ng holiday season sa kanilang bahay sa La Vista, Quezon City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply