Pagbanat ni PNoy sa SC wake up call sa justices

ISANG napakalaking isyung bumulaga ang ginawang pagbanat ni Pangulong Noynoy Aquino sa Supreme Court na sumentro mismo kay Chief Justice Renato Corona.

Sa unang entrada ng banat ni PNoy, ang pagbuo ng Truth Commission na dapat tatalop sa mga korap na mga opisyal ng dating administrasyon ay pinutol kaagad ng KORTE SUPREMA sa pagsasabing labag daw sa Konstitusyon o sa batas. Kumbaga nilagyan daw kaagad ng barikada.

Sa pangalawang entrada ni PNoy ay tinumbok niya ang pag-iimbestiga sa electoral sabotage laban kay Gloria Arroyo na kumukuwestiyon sa legalidad ng warrant of arrest na iniisyu ng Pasay City Court at ang Temporary Restraining Order (TRO) na ipinalabas ng SC.

Mantakin ninyo, nang naglabas ng TRO ang Korte Suprema, may kasunod kaagad itong mga kondisyon.

Pero wag ka sila mismo ang umaming hindi naman pala kailangang tuparin ang mga alituntuning ito.

Bakit naglagay pa ng patakaran kung wala ring saysay?

Sa pangatlong entrada ni PNoy, sumentro mismo ang pagkakatalaga kay Corona ni Arroyo dalawang buwan bago sumapit daw ang eleksyon at bago matapos ang panunungkulan ay agad-agad na itinalaga ni Arroyo si Corona bilang chief justice ng SC.

May umaangal sa ginagawang pagbanat ni PNoy dahil hindi raw bagay sa isang presidente ng bansa ang ginawa ni PNoy.

Bakit, may mali ba sa ginawa ni PNoy nang isiwalat nito ang kanyang mga saloobin sa pandinig ng mga mahistrado at opisyal ng Korte?

Ang hinaing nito ay eksakto sa tamang forum: ang National Criminal Justice Summit para kabugin ang mga dibdib ng mga hukom, abogado at mahistrado na may tungkulin silang dapat na gampanan.

Kaya tama lang ito!

oOo

Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email juandesabog@ yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply