Pagbitay sa OFW ipagdasal na lamang

SA kabila ng apela, tuloy pa rin ang pagbitay sa isang Pinoy sa China sa Disyembre 8 na labis na ikinalungkot ni Senadora Loren Legarda.

Ayon sa senadora, ginawa na ng pamahalaan ng Pilipinas ang lahat ng paraan para iligtas ang kababayan ngunit talagang mahigpit ang China sa pagpapatupad ng kanilang batas.

Kaugnay nito, nanawagan si Legarda sa taong bayan na ipagdasal na lamang ang kababayang nahaharap sa parusang kamatayan matapos mapatunayan sa salang pagpasok ng ilegal na droga sa China.

“This is a most difficult time for the family and I ask every Filipino to pray for our countryman. The family has requested for privacy and the least we can do right now is to respect their wishes,” ayon kay Legarda.

Sa kabila nito, walang nakikitang dahilan si Legarda para magkaroon ng lamat ang relasyon ng China at Pilipinas sa harap ng nakatakdang pagbitay sa 35-anyos na Pinoy sa Guangxi Zhuang Autonomous Region.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply