Pagbitay sa Pinoy drug mule ‘wag pulitikihan – Loren

IBINABALA ni Sen. Loren Legarda na baka magkaroon ng lamat ang relasyong pangdiplomatiko ng Pilipinas at China kung babahiran ng pulitika ang pagbitay sa isang Filipino drug mule.

Ayon kay Legarda, hindi dapat bahiran ng pulitika ang pagbitay upang hindi magkalamat ang relasyon ng China at Pilipinas dahil kailangan igalang ng ating mamamayan ang desisyon at batas ng naturang bansa laban sa droga.

“The People’s Republic of China (PROC) has stringent laws against drug trafficking and so do other countries, including the Philippines.  China’s enforcement of its laws is within its rights,” ayon kay Legarda.

Nitong tanghali ng Huwebes (Disyembre 8), ibinalita ni Vice President Jejomar Binay na nabitay na ang Pinoy drug mule na hindi pinangalanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kasalukuyan nang inaayos ang pagbabalik ng bangkay nito sa bansa.

Ayon kay Legarda, hindi isyung pulitikal ang pagbitay sa Pinoy drug mule na hindi dapat makaapekto sa relasyon ng ating bansa sa China. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply