Pagbuhay sa death penalty umuusad na

KUMPIYANSA ang Senado na maibabalik ang death penalty sa bansa.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, chairman ng Committee on Public Order and Illegal Drugs, suportado na rin  ng iba’t ibang sektor ang pagbalik ng parusang bitay dahil na rin sa nakaaalarmang paglala ng
kriminalidad sa bansa dahil sa paglaganap ng droga.

Bunsod na rin ito ng nakatakdang pagbitay sa isang Filipino sa China na nahatulan dahilan sa pagkakakumpiska ng 1.495 na kilo ng heroin sa Guangxi.

Samantala, sa isinagawang survey ng Public Relations and Information Bureau ng mababang kapulungan ng Kongreso, makikitang marami ang pabor sa pagbalik ng parusang kamatayan sa bansa.

May ilan namang kongresista na nais amyendahan ang Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 upng makita ang mga posibleng “butas” sa nasabing batas. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply