Paggamit ng torotot posibleng makamatay

BUKOD sa panawagan sa pagbabawal sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon nagbabala ang Department of Health-Food and Drug Administration (DOH-FDA) sa publiko na maaring makamatay ang paggamit ng torotot.

Batay sa tala ng FDA noong nakalipas na taon, dalawang bata na may edad 3 at 8 ang nakalunok ng nakalas na bahagi ng torotot na nagbibigay-tunog.

Ayon sa FDA, ang ganitong insidente ay maaring maging dahilan ng kamatayan.

Nag-abiso rin ang DOH sa disease outbreak sa mga evacuation center na tinutuluyan ng mga sinalanta ni “Sendong” sa Northern Mindanao.

Kaugnay nito, nakatakda namang dumating sa araw ng Pasko sa Cagayan de Oro City ang may 250 doktor ng Philippine Medical Association (PMA) kaugnay ng kanilang Oplan: Santa Doc.

Pangunahin nilang misyon na gamutin ang mga residente may sakit at ang pagbibigay din ng psychological treatment sa mga biktima ng kalamidad.

Matapos ang pagbisita sa Cagayan de Oro ay dadalawin din nila ang Iligan City sa Disyembre 26 at Disyembre 30 sa Dumaguete City. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply