Pagganap sa tungkulin ng mga opisyal para sa bayan

HINDI lang mga empleyado ng Bureau of Immigration ang pinalungkot ni BI Comm. Ricardo David Jr. sa araw ng Kapaskuhan.

Maging ang mga nagtitiyagang nagko-cover na  mediamen sa BI ay pinalungkot din ng nasabing komisyoner at hindi raw tulad ito ng mga nagdaang komisyoner  ng Immigration.

Kahit papaano raw ay hindi umuwing luhaan ang mga empleyado at mediamen.

Ayon sa BI insider, ngayon lang daw nangyari sa kasaysayan sa panahon ni Comm. David na walang Christmas Party ang iba’t ibang opisina ng byuru.

Noon daw ay hiwalay  ang Christmas Party ng Office of the Commissioner (OCOM), Immigration Regulation Division (IRD), Visa Extention Section, Alien Registration Division (ARD) at marami pang iba.

Ang dinadahilan ni Comm. David ay ang kawalan ng pondo at pagtitipid na ipinatutupad ng BI management.

Maging ang mga reporter na nagko-cover sa Immigration, kahit singkong duling na pambili man lang ng matsakaw ay walang natanggap.

Kung magagawi kayo sa Immigration, mistulang Mahal na Araw daw ang araw ng Pasko, maging sa mga batang anak ng mga empleyado sa byuru na Disyembre 20 pa lamang ay masayang nagpupunta sa BI Main Office para mamasko.

Kay lupit daw ni David at parang hindi Kristiyano sa ginawa nitong pagpigil para sumaya minsan lang sa isang taon ang Pasko ng kanyang mga empleyado.

PAIHI PADER PA RIN  KAHIT SI GUTI ANG DD

Hindi pa rin kumikilos ang Manila Police District (MPD) para mapatigil ang talamak na pagnanakaw (paihi) ng mga used oil ni Mr. Sy sa Old Sta. Mesa, Maynila.

Malaki kasi ang ‘hatag’ ni Mr. Sy mula sa mga kapulisan ng MPD.

Ano ba ito, Manila Police District Dir. Gen. Alex Gutierrez?

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog @yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply