Pagguho ng mga dam nakapagpalala sa CDO flashflood– DOST

TINIYAK ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Mario G. Montejo na ang naiulat na pagguho ng mga dam sa kahabaan ng Cagayan de Oro River ang nakapagpalala sa flashflood na ikinamatay ng mahigit 1,000 at pagkasugat naman ng daan-daang residente sa Northern Mindanao at Southern Visayas sa pananalasa ng bagyong Sendong.

“It is most likely that the flashflood in Cagayan de Oro was caused not only simply by the high volume of rain that fell in the watershed of rivers in said places but essentially of the reported collapse of dams at the upper parts of the rivers,” ayon kay Montejo sa isang press release ng kaniyang ahensiya nitong Lunes.

Ang nakalap na field reports na nakarating kay Pangulong Noynoy Aquino hinggil sa pagguho ng naturang dams ay iniimbestighan na sa instruksiyon ng Pangulo.

“Pagasa had been doing its job conscientiously,” pagtiyak ng kalihim ng DOST.  “In fact, places such as Bohol, Surigao, and Camiguin that heeded Pagasa’s warning and took appropriate actions had mitigated the effects of Sendong.”

Upang lalo pang mapahusay ang weather forecasting at hazard mitigating capability ng Pagasa, igniit ni Montejo ang pag-upgrade ng ahensiya sa monitoring systems nito sa 2012.

“We are set to install 1,000 water level sensors in selected major river basins in 2012. Since the 1980s, only four rivers were installed with sensors to measure water-level rise. The President has given instructions and allotted resources to fast-track our river monitoring system nationwide to aid in forecasting potential floods.”

Dagdag pa ni Montejo na: “To enhance rainfall and weather forecasting, we will also improve the integration of data from Doppler radars, satellites, automated weather systems, and rain gauges through numerical model WRF.”

Nangako din ang DOST na huhusayin nito ang flood forecasting system upang madetermina ang inaasahang impact sa mga lokal na komunidad.

Kabilang dito ang paggamit ng iba’t ibang pamamaraan gaya ng paggamit ng 3D maps.

“At some point, the dams may have collapsed when the trapped water filled with debris overtopped the dam. This could have led to dam breakage and failure,” paliwanag pa ni Montejo.

“When the large volume of water trapped behind the landslide debris dams was released, it triggered the flashfloods. The landslide dam break mechanism caused the flashfloods, which would explain the sudden surge of water reported by survivors in Cagayan de Oro,” giit ni Montejo

Sa pagdalaw ng presidential party kasama si Montejo sa Cagayan de Oro at Iligan City na hinagupit ng flashfloods, tinukoy nito na inilarawan ng survivors ang nasabing flashfloods bilang  “sudden surge,” samantalang ipinakita sa post-disaster pictures ang malalaking putik at debris, kabilang ang mga puno na inanod ng flashfloods.

Nilinaw din ng kalihim na bagama’t ang ulan na inihatid ng Sendong ay hindi kasing dami ng bagyong Ondoy na nakapagtala ng 181 mm ng ulan sa isang araw na sanhi ng mapaminsalang flashfloods noong 2009. Ang  landslide dam break na nangyari sa Sendong ay naganap noong 2004 sa Infanta, Quezon at 2008 Iloilo flashfloods.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply