Pagkakasundo nina PNoy, Corona magandang pamasko sa Pinoy

ISANG magandang pamasko sa taumbayan ang pagkakasundo nina Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III at Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ito ang paniniwala ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, kasunod na rin nang pahayag ng magkabilang panig na bukas sila pagkakasundo.

Una nang sinabi ng Pangulo na bukas siya sa pakikipagkasundo kay Corona at sinabi rin naman ni SC spokesman at court administrator Atty. Midas Marquez na ganito rin ang pananaw ng punong mahistrado.

Ayon kay Bastes, natutuwa siya sa naturang pahayag ni Pangulong Aquino subalit dapat aniyang ang Pangulo mismo ang makipag-ugnayan sa mga obispo ng Simbahang Katolika.

“Am happy for that, magandang pamasko yan sa taumbayan. And I think ngayong nagsalita na ang Pangulo na open siya sa pakikipagkasundo kay Chief Justice Corona sa tingin ko ay handa rin ang ating mga obispo diyan,” ani Bastes, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Una nang sinabi ng Simbahang Katolika na handa silang mamagitan upang magkasundo lamang sina PNoy at Corona.

“Ang mga matataas na obispo natin like si (Gaudencio) Cardinal Rosales, incoming Manila archbishop (Luis Antonio)Tagle, o (Cebu) archbishop (Jose) Palma, the president of CBCP or Cardinal (Ricardo) Vidal.  I think they should be the one to initiate that thing because they have some kind of moral authority to speak.” dagdag pa ni Bastes.

Kaugnay nito, umapela ang obispo sa publiko na huwag na sanang haluan pa ng pamumulitika sakaling matuloy ang pag-uusap ng dalawang mataas na opisyal ng pamahalaan, sa tulong ng mga obispo.

Giit ni Bastes, umaasa siyang lalawakan ng tao ang pagtingin sa isyu na sa halip na pag-awayin ay pagkasunduin na lamang ang dalawang lider ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply