Pagkalat ng pekeng gamot ibinabala

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa mga pekeng gamot.

Sinabi ni FDA Director Dr. Suzette Lazo na karaniwang pinepeke ang mga mamahaling gamot gaya ng antibiotics, gamot para sa diabetes at hypertension, at mga gamot para sa sakit sa puso, atay, bato at iba pa.

Aniya, kailangang maging mapanuri at protektahan ang mga sarili sa panganib ng mga pekeng gamot dahil sa kulang o kung minsan ay iba ang sangkap na taglay ng mga ito na magdudulot ng mas malalang sakit o kamatayan sa mga iinom nito.

Tiniyak naman ng opisyal na patuloy sa pagmo-monitor ng administrasyong Aquino sa mga itinitindang gamot sa mga botika kasama na ang regular na laboratory testing na isinasagawa ng FDA upang matiyak ang kalidad ng mga gamot na inilalabas ng P380 bilyong industriya ng parmasiyotika sa bansa.

Paalala ng FDA, sa ilalim ng Republic Act (RA) 8203 o Special Law on Counterfeit Drugs, ang mga mahuhuling nagbebenta ng pekeng gamot ay maaaring isara ang kanilang establisyemento at magmulta ng hanggang P5 milyon.

Ayon kay Lazo, bumili lamang ng gamot sa mga kilalang botika na lisensyado ng FDA at humingi ng resibo.

Maaari rin aniyang tumawag sa hotline number ag FDA na 165-FDA o 165-332 para sa lahat ng sumbong o katanungan hinggil sa biniling gamot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply