Paglabas ng total lunar eclipse inaabangan

MULI na namang masasaksihan ang paglabas ng isang total lunar eclipse ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Astronomical Division, magaganap ito sa ika-10 ng Disyembre kung saan kabilang sa mga bansa na makasasaksi sa eclipse  ay  Australia, Asia, Oceanic, Hawaii, Eastern Africa at Eastern Europe.

Dakong alas-5;13 ng hapon naman magsisimula ang phenomenon sa Pilipinas hanggang alas-5:38 ng umaga ng Disyembre 11.

Ang nasabing eclipse ay magaganap naman sa gabi kaya hindi umano kailangan pa ng anumang proteksyon o gadget sa mata upang ito ay mapanood.

Gayunman, makakatulong naman ang binocular upang mas higit na makita ang kagandahan at kabuuan ng eclipse kung saan dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa eclipse ay lalo pang makikita ang pagiging kulay pula nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply