Paglaganap ng casino, internet gambling kakalkalin

NAIS imbestigahan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang paglaganap na pasugalan sa buong bansa, iligal man o ligal partikular ang casino at internet gambling na lubhang kinagigiliwan ng mamamayan.

Sinabi ni Pimentel na lubha nang nakababahala ang pagsulpot ng malalaking casino at internet gambling na may operasyon sa bansa sa loob ng nakalipas na ilang taon.

Gusto ring malaman ni Pimentel kung may sapat na lisensiya at kung ano ang terms and conditions sa operasyon ng mga e-games station na makikita sa buong Kamaynilaan at iba pang malalaking lungsod.

Aniya, nakatakdang rebyuhin ng Senate committee on games and amusement ang batas na sumasakop sa operasyon ng casino kabilang ang pribadong casino kabilang ang relasyon nito sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Kasabay nito, aalamin din ng senador kung ano ang negatibong epekto nito sa lokal na mamamayan partikuklar na sa mga kabataan na nalululong sa ganitong uri ng sugal.

“Lubha nang nakababahala ang paglobo ng bagong pasugalan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan,” ayon kay Pimentel.

Aniya, may pangangailngan na suriin hindi lamang ang legalidad ng bagong uri ng sugalan na pinatatakbo sa buong bansa kundi maging ang epekto nito sa batas at kaayusan.

“There have already been published reports of gambling-related deaths, where a bet collector of a new game called Bingo Milyonaryo was shot dead by still unidentified assailants in the Visayas,” ayon sa senador.

Ipatatawag ng Senado ang mga opisyal ng Pagcor at Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) upang magbigay-linaw sa kasalukuyang kalagayan sa regulasyon ng pasugalan dahil lubha nang nalululong ang mamamayan sa ganitong uri ng aktibidad tulad ng casino, lotto, sweepstakes, small town lottery, bingo, karera ng kabayo bukod pa sa internet gaming.

“These  legal forms of gambling have not even made a dent on the operations of illegal numbers game like jueteng and swertres, which are also reportedly on the rise,” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply