Paglalatag ng 25 sentimo para sa Guinness ipinagpatuloy

PATULOY pa rin   ang  paglalatag ng 25 sentimo ngayong umaga sa Quirino Grandstand sa pangunguna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Kabayanihan Foundation upang maungusan ang hawak ng Amerika na Guinness world record na may pinakamahabang linya ng nasabing barya.

Dakong alas-10:00 ng umaga kahapon (Nobyembre 30) nang magsimula ang may 10,000 volunteers na maglatag ng barya sa Quirinio Granstand kung saan naging bahagi na rin ito sa ika-148 kaarawan ni Andres Bonifacio.

Tinatayang 3.2 milyong piraso o P800,000 halaga ng 25 sentimo ang inaasahang mailatag ng BSP  at Kabayanihan Foundation hanggang ngayong araw sa haba naman  na 70 kilometro.

Muli namang hinikayat ng BSP ang publiko na magtungo sa lugar upang ibahagi o magdonate ng kanilang itinatagong baryang 25 sentimo upang sa gayon ay masungkit at malagpasan ang tinatarget na record. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply