Ronald Singson sasalubungin sa paglaya

HANDA na ang pamilya ni Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson sa pag-uwi sa lalawigan ng anak na si dating Rep. Ronald Singson sa Enero 14, 2012.

Ayon kay Ilocos Sur 1st District Rep. Ryan Luis Singson, nakababatang kapatid ng dating mambabatas, thanksgiving mass at dinner ang planong pangsalubong sa kapatid na makakalaya mula sa Hong Kong.

Dagdag pa nito, kahit hindi pa sila sigurado kung didiretso ng Ilocos Sur ang kapatid, nakaplano na ang welcome party para sa kanya.

Nabilanggo si Ronald dahil nahuli sa paliparan sa Hong Kong noong Hulyo 2010 matapos madiskubre ang dala niyang 26.1 grams na cocaine at dalawang tabletang valium.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply