Paglilipat kay GMA sa VMMC iaapela

NAGHAIN na ng motion for reconsideration sa Pasay Regional Trial  Court (RTC) Branch 112 ang mga Arroyo kaninang alas-6:00 gabi kanina para ipatigil ang utos ni Judge Jesus Mupas na ilipat si dating pangulong Gloria Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Batay sa tatlong pahinang mosyon, hiniling ni Attorney Jose Flaminiano na payagan munang manatili si Ginang Arroyo sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig matapos madiagnose sa sakit na colitis o pamamaga ng colon.

Aniya, magkakaroon pa ng eksaminasyon bukas ang dating pangulo para muling suriin ang kalagayan nito.

Iginiit din ni Flaminiano na may karapatang pumili ng doktor si Ginang Arroyo na posibleng hindi makamit kapag inilipat ito agad sa ibang ospital.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply