Paglipat ni GMA sa VMMC ‘di na dapat tutulan – Pasay RTC

WALANG nakitang dahilan ang Pasay Regional Trial Court (RTC) upang igiit ng kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tutulan ang paglilipat ng pagamutan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ayon kay Pasay RTC Clerk of Court Atty. Joel Pelicano, mataas pa rin ang pagtingin at pagrespeto ni Judge Jesus Mupas sa dating Pangulo dahil ang VMMC ang napili nitong paglipatan kay GMA at hindi ang
inihandang Detention Center ng Southern Police District.

Ayon kay Pelicano, walang dapat na ikabahala ang kampo ni Ginang Arroyo dahil maari pa rin naman dalhin o bitbitin ang mga doctor nito na tumitingin sa kanya sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.

Kaugnay nito, inaaasahan naman na sa susunod na linggo maghahain ng motion for reconsideration ang mga abogado ni GMA sa Pasay RTC upang pigilan ang paglilipat sa dating Pangulo sa VMMC.

Naniniwala naman ang Malacañang na mas magiging ligtas si dating Pangulong Arroyo sa VMMC laban sa mga natatanggap umano nitong tangka sa kanyang buhay.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, mas kontrolado ng gobyerno ang seguridad ni Arroyo kapag nailagay ito sa government facility.

Sinabi naman ni Pangulong Benigno Aquino III na dapat ay alamin muna kung ano ang motibo ng death threat kay GMA na tinawag na “operation put the little girl to sleep”.

Depensa nito na wala silang motibong gawin ito dahil wala naman silang pakinabang dito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply