Pagna-acquit si Corona, plan-B nakahanda na

HINDI inaalis ng Malakanyang ang posibilidad na mapawalang-sala si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa pagdinig ng Senado.

Sinabi ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas, hindi naman sila sarado sa ganitong pangyayari bagama’t hangad talaga nilang ma-convict si Corona.

Ayon kay Llamas, kumpiyansa naman silang mapatalsik si Corona pero iba umano ang confidence sa kasiguraduhan.

Nilinaw naman ni Llamas na hindi napag-uusapan ang “Plan B” sakaling ma-acquit nga si Corona.

Una nang sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na may nakahanda silang opsyon kung maabsuwelto si Corona pero hahayaang si Pangulong Aquino mismo ang maglahad.

“Well, that’s a possibility. That’s a possibility kaya hindi kami sarado doon sa ganoong klaseng possibility pero confident kami na ma-i-impeach si Corona. Pero of course ‘yung confidence is different doon sa kasiguraduhan,” ani Llamas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply