Pagpag boys sa Maynila talamak

SA halip na mabawasan ay lalo yatang dumarami ang tinaguriang “pagpag boys” sa Maynila.

Partikular nating tutukuyin ang mga matataong lugar tulad ng Divisoria,  Quiapo at Sta. Cruz na pawang nasa Maynila.

Sa rekord ng pulisya na nakasasakop sa dalawang matataong lugar ay makikitang halos lahat ng krimen ay pawang mga robbery-snatching kung saan karamihan sa mga suspek ay pawang mga kabataan.

Malalakas ang loob ng mga kabataang ito na mandukot at mang-agaw ng mga bagay dahil agad din silang  napakakawalan kapag nahuhuli ng pulis dahil bukod sa mga menor de edad  ay hindi na rin nagkakainteres pa ang  biktima lalo na kapag naibabalik ang nakuha sa kanya.

Aminado ang mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) na wala silang  magagawa rito dahil sa batas natin ay hindi maaaring basta-basta na lamang na ikulong ang mga bata.

Sinasabing kapag nahuli  ang mga kabataang ito ay agad na ipinatatawag ang kanilang mga magulang at doon ay ibibigay ang anak at pagsasabihan  ang magulang tungkol sa ginawa ng kanyang anak.

Ngunit ang masaklap dito ay pagkalabas ng presinto ng bata at ng kanyang magulang ay uuwi na ang  ina o ama at ang bata ay muling babalik at pupunta sa kanyang mga katropang bata na pawang mga pagpag boy.

Sino  at ano nga ba ang “pagpag boys?”

Ang pagpag boys ay  pawang mga kabataan na may edad mula 4 hanggang 17 na mga nagtitinda ng plastic bag sa mga matataong lugar gaya ng Divisoria at Quiapo.

Marahil ay magtatanong kayo kung ano ba ang modus operandi ng pagpag boys gayong ang mga ito ay pawang mga menor de edad  naman.

Ang mga kabataang ito ay matitinik at madudulas at  pawang mga  nagtitinda ng supot o plastic bag sa mga matataong lugar ngunit may halong kalokohan. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply