Pagpapa-inhibit kay Corona tumitindi

TUMITINDI na ang panawagan sa pag-iinhibit kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ang tatlong magkakahiwalay na mosyon para sa pag-iinhibit ay isinampa nina Yasmin Lao mula sa grupong Bantay Gloria Network, Jimmy Regalario ng Kilusan para sa Makabansang Ekonomiya at ang apo ni Fernando Poe, Jr. na si Daniel Poe Llamanzares.

Isa sa mga basehan nito ay ang pagiging malapit ni Corona sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Dinahilan din ng mga ito na dapat pang magpasalamat si Corona dahil mapo-protektahan din nito ang kanyang imahe bilang Chief Justice ng Korte Suprema

Samantala, hindi umano bibitiw sa pagganap ng trabaho si Corona kontra sa panawagan ng ilang sektor.

Ipinagtanggol din ang punong mahistrado ni Court Administrator Midas Marquez sa pagsasabing base sa record ng korte, may mga pinaboran din si Corona na desisyong hindi sang-ayon sa kampo ng mga Arroyo, bagay na nagpapatunay na isa itong objective sa paghawak ng kaso.

Posible namang sa susunod na linggo pa matalakay ng Supreme Court (SC) en banc ang apat na magkakahiwalay na mosyon para mag-inhibit si Corona sa mga kasong may kaugnayan kay dating Pangulong Arroyo. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply