Pagpapakawala ng tubig ng 3 dam sinisilip

INIIMBESTIGAHAN na ng pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) ang hindi pa berepikadong ulat na nakarating sa kanila na tatlong dam ang nagpakawala ng tubig sa kasagsagan ng bagyong Sendong sanhi ng “flashflood” sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ni DOST Secretary Mario Montejo na may mga ulat din na bumigay ang tatlong dam dahil sa bigat ng tubig na sinamahan pa ng mga inanod na troso buhat sa bundok.

Ngunit nilinaw ng kalihim na wala pa silang natatanggap na kumpletong impormasyon maging sa lokasyon ng sinasabing dams.  Kung ganito aniya ang nangyari, maaaring ito ang tunay na eksplanasyon kaya naging matindi ang pagbabaha sa naturang lalawigan.

Nabatid naman na ang aksyon ng DOST ay makaraang ipag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III na personal na nakatanggap ng impormasyon ukol sa pagpapakawala ng tubig ng tatlong dam sa kanyang pagbisita sa CDO nitong Martes.

Una nang ipinagtanggol ni Montejo ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi dapat sisihin sa trahedyang naganap dahil sa nagpalabas naman sila ng babala sa lokal na pamahalaan ng mga apektadong lugar sa parating na bagyo.

Plano ng PAGASA na pataasin ang kalidad ng kanilang “weather monitoring system” sa 2012 kabilang ang pag-monitor sa lebel ng tubig sa mga ilog at “automated weather system.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply