Pagpapaliban ng paglilipat kay GMA sa VMMC ok sa Comelec

HINDI big deal sa Commission on Elections (Comelec) ang desisyon ng Pasay City Regional Trial Court na ipagpaliban hanggang sa Biyernes (Disyembre 9) ang paglilipat kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., tatlong araw lamang naman ang pagitan nang pagpapaliban sa paglilipat kay Ginang Arroyo mula sa St. Luke’s Medical Center patungo sa VMMC kaya’t hindi na nila ito kinakailangan pang tutulan.

Giit pa ni Brillantes, nirerespeto nila ang desisyon ng hukuman at handa silang sumunod sa kautusan nito.

“Our position has always been sa detention facility sa SPD. Ang judge ang nagsabi ilagay muna sa VMMC,” ani Brillantes. “Wala tayong magagawa, sunod tayo sa order ng husgado,” aniya pa.

Gayunman, nanindigan ito na sa sandaling gumaling na ang dating Pangulo ay dapat na sa detention facility ito sa Southern Police District (SPD) manatili at hindi sa VMMC.

Bukas, (Martes) sana ang orihinal na takdang paglipat kay Gng. Arroyo sa VMMC ngunit ngayong araw ay nagdesisyon ang korte na maaari pang makapanatili ang dating Pangulo sa St. Luke’s Medical Center sa taguig City hanggang sa Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply